Tatlong Oras na Byahe

2008 October 11
by doodlingnoodle

Nakatira ako ngayon sa isang lugar na tatlong oras yung layo sa tunay naming bahay. Dahil dyan, tuwing weekend lang ako talaga nakakauwi samen. Sa bus, sa tatlong oras din na byahe, andame nangyayare. Syempre.

Una, andame ko nagagawang ka-impolite-an sa mga kasakay ko. Sori po. Andun na mag-stare ako for too long, o kya naman nang-iignore ako nung mga ilang beses ko nang nakasakay. Ewan ko ba, bka naman kasi pag binate ko sila, ako naman yung nde nila pansinin. haha. Protective sa sarili. Selfish. Whatever. Haha.

Pangalawa, may tendency kasi ako na mag-imagine habang wala akong ginagawa. Lalo na pag may byahe. Hmm, tungkol lang naman sa buhay ko ea, so harmless naman. Haha. So sa tatlong oras na yun, kadami dami ko na na-imagine. Andami na sana nangyari sa buhay ko kung magkakatotoo man yung mga yun. Andami ko na sana napuntahan. haha.

Sa bus den, nagagawa ko magplano…ng buhay ko. Nga naman, alin pa ba pwede ko planuhin? Haha. Doon ko ina-outline yung mga gagawen ko ilang years mula dun sa moment na nakasakay ako sa bus at nagpaplano. Ang kaso, yung mga plano ko kahapon, plano ko din nung unang uwi at luwas ko. Xet. Anu yun? Hindi ba ako uusad for ilang months? Haha. Cge, sa sunday, babaguhin ko na ung mga plano ko.

Nasubukan ko na din maging paranoid at morbid at the same time habang byahe. Yun bang naisip ko na pwede na ko mamatay sa bus na yun, nung oras na yun. Ewan ko ba, mejo masyado lang ako sigurong naging kuntento sa buhay ko nun. Haha. Nagawa ko pang isipin kung panu. Haha. Hindi adviseable na sabihin pa. Madugo. Mapula. haha.

Minsan din, nagawa kong kumanta ng medyo malakas sa bus. Napatingin sila sa akin. Xet. Hiya ko lng ba. haha. Naka-ear phones ako nun eah. Ewan, feeling ko naman mahina lng talaga. Ganun naman pag gabi diba? Talagang malakas ang travel ng sound waves…physics…[nosebleed ako]. Pagpasensyahan, defensive lang. Muntik na nga akong mag”What?!” Haha. Yung demanding? Parang “What are you people staring at?!” Parang hindi ko ginagawa ah? haha.

Tsaka ngayon lng, nito lng ba, nung medyo linggo-linggo na ako umuuwi, naiinip na ako sa byahe. Dati, ang pinakagusto kong part ng gala ay yung byahe, yung time na nasa sasakyan ka lang. Ngayon, nababagot na aku sa tatlong oras. Siguro, part na din ng anticipation ko yun na makauwi naman. Ewan, pero as in, inip na inip na akong nakaupo lng ng tatlong oras. Swerte na kung may TV yung bus at may palabas na hindi corny…choosy ako eah..haha.

At yung huli, mdyo hindi lang halata, naging mas reflective ako on things. Ewan, cguro dala ng tatlong oras na wala akong kausap kundi sarili ko. Medyo hindi na ako impulsive. Nag-iisip na aku bago mag-act…medyo naging rational, calm, and all. Tama nga yung taong nagsuggest ng topic na tu. Haha. Sbe nya ren na lumalim sya mag-isip after ng lahat ng byahe nya. totoo nga. Ü…

…slamat kapatid. Ü

2 Responses leave one →
  1. 2008 October 13
    Carl Francis permalink

    ok!

  2. 2008 October 14
    doodlingnoodle permalink

    yes nman Carl. haha. Tnx. Ü

Leave a Reply

Note: You can use basic XHTML in your comments. Your email address will never be published.

Subscribe to this comment feed via RSS